‘Big 3’ plus 1 nagtaas ng presyo

NAGPATUPAD kahapon ng pagtataas sa kanilang presyo ng produktong petrolyo ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Eastern Petroleum at Petron, ngunit pawang itinanggi na may kinalaman ito sa pagkasuspinde ng operasyon ng Batangas-Pandacan pipeline.

Pawang nagtaas ng 50 sentimos kada litro ng regular gasoline at 25 sentimos kada litro ng premium, unleaded, diesel at kerosene ang tatlong kumpanya ganap na 12:01 ng hating gabi.

Samantala, nagtaas ang Petron ng presyo ng mga produktong langis kahapon ng alas-sais ng umaga.

Iginiit naman nina Roberto Kanapi at Toby Nebrida, mga tagapagsalita ng Shell at Chevron, na walang kaugnayan ang pagtataas sa presyo ng kanilang mga produkto sa pagpapatigil ng operasyon ng pipeline na dumaraan ang suplay ng kanilang mga petrolyo.

Sinabi ng dalawa na ang pagtataas ay dulot ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado na kailangan nilang sundan.

Ito’y matapos na magsimulang maramdaman ang pagnipis ng suplay ng gasolina at maraming gasolinahan ang naubusan na ng ibinibentang petrolyo sa mga motorista partikular na ang Shell.

Sinabi ni Kanapi na hindi nila ipapasa ang dagdag na gastos  sa publiko sa mga alternatibong paraan ng delivery ng kanilang mga produkto.

Gumagamit din umano sila ngayon  ng mas maraming delivery tankers at barges.   Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply