‘Isang Habi, Isang Lahi’

BILANG pagpupugay sa ating mga kapatid na katutubo sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng National Indigenous Month,  inilunsad ni Sen. Loren Legarda, Chair, Senate Committee on Cultural Communities ang ‘Isang Lahi, Isang Habi’, na nagbubuklod sa mga Pilipino sa  kultura at tradisyon.

Ang ‘habi’ ay ang mano-mano at katutubong paglalala ng damit na minana pa mula sa ating mga ninuno.  ‘Habul’ sa Cebu; ‘Mwell’ naman sa tribu ng ’boli at Manobo. Ang materyales nito ay mula sa pinya, abaka at iba pang mga katutubong halaman.

Ayon kay Legarda, tunay na hindi matatawaran ang husay nila (katutubo) sa paglala, pagdedesenyo ng makukulay na tela na hanggang ngayon ay tinatangkilik ng mga Pilipino maging ng ibang bansa.  Ito aniya ay isang paalala sa kanilang kahalagahan at paggalang.

Aniya, patuloy nating ipreserba ang kasaysayan ng ating mga ninuno at matuto mula sa kanilang kasalukuyang pamumuhay.  “Let us all work together to hear the chants of our elders, move with the dances to the dieties, weave organic fabrics, learn sustainable agriculture and cure sickness through healing methods that have stood the rest of time.  Let us preserve our distinct heritage, our Filipino ancestral wisdom, and take pride in our country’s cultural diversity.”

Kabilang sa exhibit ang mga personal na koleksiyon ni Legarda na hinabi ng iba’t-ibang katutubo sa bansa.

Sina National Commission on Indigenous Peoples Masli Quilaman, Nayong Pilipino Executive Director Apolonio Anota Jr., National Museum Director Jeremy Barns, National Comission on Culture at Arts Chair Vilma Labrador at  Ms. Cecille Guidote Alvarez mula sa International Theatre Institute ang mga sumuporta sa mambabatas para sa isang matagumpay na exhibit.

SIMBOLO NG MGA KULAY

May kaniya-kaniyang istilo ng pananamit ang katutubo base sa pang araw-araw na gawain at okasyon

Sa mga kapatid nating Muslim, ang bawat kulay ng tela ay may katumbas na simbolo.

Dilaw. Ito ay sumisimbolo sa ‘royalty’ at ‘high social status’.
Green.  Naglalarawan ng kapayapaan at katatagan.  Angkop sa mga taong may lugar sa lipunan at nais na manatiling mababa ang loob at ‘accomplished’.

Pula. Nagpapakita ng katapangan at karahasan; ang paglalantad ng pulang bandila ay nangangahulugan na may mga tao o kamag-anak na namatay.

Puti.Nangangahulugan ito ng pagiging dalisay; kalungkutan at pagluluksa.  Isinusuot ito madalas ng ‘religious ulama at ustadje’.

Itim. Paboritong kulay para sa kasuotan ng kababaihan na kinikilala o may pwesto sa lipunang ginagalawan.  Simbolo ng dignidad at kadalisayan.

TRIBU

Subanen. Ito ang katutubo mula sa Zamboanga.  Isinusuot ito ng kababaihan, yari sa seda (silk) na may kumplikadong mga burda.  Sumisimbolo ang bulaklak na burda sa kasaganaan at ang stars ay buhay.  Ang paggalaw ng stars ay gabay sa pagpili ng angkop na panghuhuli ng hayop at pagtatanim. Ang burdang paru-paro sa likod ng kasuotan ay sumisimbolo sa ‘royalty’ at impluwesiya sa kaniyang mga tao.  Ito ay tinernuhan ng saya na kung tawagin ay ‘tapis’.  Inadornohan din ito ng pahabang panyo na yari sa cotton ay may kulay pula.

Bayaong. Kasuotan ito ng tribo Itneg/Tingguian ng Abra.  Puti ang kulay ng kanilang kasuotan mula sa blusa at saya.  Sa kababaihan, halos nababalot ito ng ‘beads’ mga adorno sa braso.  Ang ‘wrap around’ na palda ay inadurnuhan din ng beads.

Aken. Ito naman ang kasuotan ng katutubo mula sa sentro ng Cagayan Valley na kung tawagin ay Ga’dang.  Yari sa cotton at makukulay ang blusa at wrap around skirt (palda) sa cotton at inadurnuhan ng beads at medyo mamahaling mga bato.

Yakan.
Katutubo ng Basilan sa Mindanao .  Ito ang kanilang kasuotan na yari sa makukulay na kumbinasyon.  Mula sa pinya at abaka ang pangunahing materyales nito sa paghahabi.

Kalinga/Apayao. Tinaguariang ‘Peacock of the North’ ang mga katutubo dito dahil sa kanilang kasuotan at mga dekorasyon.

Igorot. Kasuotan ng katutubo ng Bontoc na matatagpuan sa Mountain Province sa kabundukan ng Cordillera.

Maguindanao Traditional Malong. Ito na yata ang isa sa pinakamahal na tela para sa kasuotan ng Magindanaw na may iba’t-ibang disenyo.  Ito ang ika-anim na pinakamalaking grupo ng katutubo.  Ang kanilang pangalan ay ay nangangahulugan ng ‘People of the Plains.’Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply