‘Japayukis’ dadalawin ni PNoy

PERSONAL na aalamin ni  Pangulong  Aquino  ang kalagayan at maresolba ang problema ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansang Hapon.

Sa pinakahuling statistics, may 300,000 na OFWs ang nakatira at nagtatrabaho sa Japan. Karamihan sa kanila ay engineers at manggagawa sa mga industrial companies.

Ayon kay  Charge’ de Affaires Belen Anota, sa pangkalahatan ay masasabing maayos ang kalagayan ng mga OFWs dito na bagama’t may mga  ilang problema ay naaayos din kaagad.

Anya, pangunahin sa agenda ng Pangulo sa pakikipag-usap sa mga lider dito sa Japan ay kung paano matulungan ang mga nars at caregivers na makapasa sa mahigpit na screening o examination.

Ipinagmalaki pa ng opisyal na malaki na ang ipinagbago ng Filipino deployment sa bansa ngayon. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply