‘Kotong cops’ dakip

Kapwa nanganganib na masibak sa tungkulin ang dalawang aktibong pulis matapos maaktuhang tumatanggap ng pera mula sa isang lady trader. kamakalawa, sa Imus, Cavite.

Matapos paimbestigahan ni Chief Supt. Danilo Maligalig, ay nakumpirma na kapwa miyembro ng Pasig City police ang mga suspek na sina Sr. Insp. Narciso Cajipe, Jr., at P03 Fernando Silangan.

Sa police report, dumulog sa tanggapan ng lokal na pulisya ng Imus si Mariam Aragones, negosyante ng mga gold bar at nagsabing  nilapitan siya ng mga suspek na umano’y nahuli ang apat nitong kasosyo habang ipinupuslit ang mga bara ng ginto na dapat ay para sa ginang.

Noong una ay naniwala ang biktima kaya nagbigay siya ng P30,000 ngunit dakong huli ay pinipilit itong maglabas ng tatlong milyong piso kaya humingi na siya ng tulong sa pulisya.

Namutla ang mga suspek nang na-entrap sila ng mga awtoridad at dakong huli ay natuklasan na ang mga sinasabing nadakip na mga  kasosyo ng ginang ay nakipagsabwatan sa mga ito upang makahuthot ng pera sa ginang. (Gaynor Bonilla)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply