‘Mag-ingat sa imported na karne’– Palmones

NGAYON pa lamang abala na ang marami sa paghahanda kung anu-ano ang ihahain sa noche buena at media noche sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.  Maging ang pinakamahihirap na indibiduwal o pamilya sa bansa ay nangangarap din na makatikim ng espesyal na pagkain sa naturang mga okasyon.

Siyempre andiyan ang mga putahe  mula sa mga  karne ng baboy at manok.  Pero gaano tayo nakasisiguro kung sariwa pa o ligtas ang mga karneng ito para ihain sa ating pamilya?  Na hindi ito pagmumulan ng mga sakit?
Sa ngayon, labis na nababahala si AGHAM (Alyansa ng mga Grupong Haligi sa Agham at Teknolohiya) Party-list Angelo Palmones sa natuklasan nito kamakailan sa palengke ng Carbon sa Cebu City.

Sa kaniyang talumpati bilang keynote speaker sa pagtatapos ng 6th National Biotechnology Week sa Mall of Asia (MOA), umapela siya sa publiko na mag-ingat at pansamantalang tumulong sa kampanya na ipagbawal ang importasyon ng karne ng baboy at manok dahil sa panganib na idududlot nito sa kalusugan ng bawat indibiduwal partikular sa mga bata.

Aniya, sa kanilang ginawang  inspeksiyon sa Carbon market kasama ang ilang opisyal ng National Meat Inspection Service (NMIS), ikinagulat niya ang bulto-bultong frozen meat  na nakatambak sa palengke.

Hindi lamang dahil sa nalalapit na ang holiday season kundi nagsimula itong pumasok sa bansa nitong Mayo ng kasalukuyang taon.

“When the frozen meat ay inilalagay natin sa palengke…na  ibinebenta ng walang freezing facilility, malaki ang panganib na idinudulot nito sa publiko,” diin ni Palmones.

“At ang masakit pa nito, dahil sa sobrang dami, it’s being peddled o isinasakay na sa trysikad at inilalako na sa mga bahay-bahay.  Ibinebenta rin ito dun sa mga gumagawa ng hotdog at longganisa na paborito ng mga bata.  You can just imagine kung anu-anong chemicals ang inilalagay dito,” ani Palmones.

Mismong opisyal aniya ng NMIS ang nagkumpirma na hindi na pwedeng ibenta ang naturang mga karne.
“Condemned na  po yan dapat dahil marami nang presence ng salmonella (uri ng bacteria).  Hindi na dapat na ibinebenta,” pahayag ng  NMIS opisyal kay Palmones.

Aniya, may mga magulang na nanga-ngatwiran na namamatay naman ang mga bacteria sa pagkain dahil niluluto
ito ng mabuti.

“Kawawa mga bata, akala masustasiyang pagkain ang kinakain nila,” diin pa ng mambabatas.

Ayon sa health experts, marami sa salmonella at iba pang bacteria ang nabubuhay sa bituka ng mga bata kapag kumakain ng ganitong mapanganib na uri ng pagkain.

Kasabay nito, hindi maitago ang pagkadismaya ng mambabatas sa naging tugon ng NMIS opisyal nang tanuningin nito kung “bakit ngayon lang nila ito nalaman?”

“Ngayon lang po ako nakarating dito sa wet market na ito.  Di ko na po teritoryo ito.  Hanggang inspection lang po kami sa source o pagdating ng produkto.  Wala na po kaming karapatan pagdating sa LGU dahil trabaho na po iyan ng meat inspectors galing sa LGU,” anang NMIS opisyal kay Palmones.

Bilang isang dating mamamahayag, nadagdagan pa ang pagkadismaya ng kinatawan ng AGHAM sa tanong ng isang miyembro ng media na kasama sa naturang inspeksiyon.  “Sir, ba-kit kayo nag-iimbestiga sa isang bagay na wala namang nagrereklamo?”

Kinumpirma pa ni Palmones na may sindikato sa naturang importasyon at pinagtatakpan ng local government.

Aniya, sa unang ginanap na pagdinig hinggil sa isyu, inamin ng isang importer na nakapagpapapasok siya ng 100 container van ng imported porks mula sa Estados Unidos.  “Imagine siya pa lang yun.  At siya pa ang pinakamaliit na importer.  Ibig sabihin meron pang ibang malalaking importers.

Gayunpaman, madisplomasyang tinugon ito ni Palmones.  “Alam ninyo, kayo dapat ang unang maging concern about this issue kasi kayo ang huling tatakbuhan ng concerned costumers.”

LOCAL PRODUCERS POSIBLENG SUMUKO

Base sa mga sumbong ng local producers kay Palmones hinggil  ng karneng baboy at manok, nanganganib na sumuko ang mga ito sa pag-prodyus ng naturang mga produkto dahil nau-ungusan sila ng imported nito.

“Akala ng local producers na inuubos lamang yung dumating sa bansa mula noong Mayo yun pala tuloy-tuloy ang pagspasok nito kada buwan.  Inisip nila transition lang yun.  Eh nung marinig nila na 100 container vans ang dumarating—nagulantang sila,” ani Palmones.

Ibinibenta ng P90 kada kilo ang imported pork samantalang P140 naman kada kilo ang local produced.

“Titigil na po ang magbababoy, magmamanok sa pagpo-produce ng mga produktong ito because of the importation and they can’t compete on our domestic production,” giit ng mambabatas.

“Ito pa ang nakakatakot, ayon sa United Nations at Food and Agriculture organization (FAO), darating ang panahon na may mga bansa na hindi na magbebenta ng kanilang produkto, kahit may pambili tayo, wala na tayong mabibili dahil ilalaan nila ito sa kanilang nationals,” dagdag pa nito.

PANAWAGAN SA PUBLIKO

“So please, I am appealing…kung naiintindihan natin ang kahalagahan ng Biotechnology, dapat gayundin ang malasakit natin sa mga kumakain ng mapanganib na imported porks.”

“Let us camapaign against unsafe foods, aginast imported products, because in the process you are helping our producers,” apela ni Palmones.

Ang Biotechnology ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga lokal na pamahalaan na tugunan ang mga problemang dulot ng kakulangan ng pagkain at kahirapan, sa-kit at pagkasira ng kalikasan.  Binibigyan nito ang komunidad ng kakayahang makatulong sa mga hamon ng Millenium Development Goals (MDG), mula sa masusing pananaliksik hanggang sa pagpapaunlad ng ating mga makabagong produkto.

“Kahit na anong gawin nating pagpo-promote ng Biotechno-logy, kung itong importers na ito ang papatay sa ating industriya ng pagmamanok at pagbababoy sa Pilipinas—all these things, all these undertakings, all the efforts na ginagawa natin would be useless,” pagtatapos pa ni Palmones.

Naninidigan ang AGHAM na suportahan ang ekonomiya ng bansa at nakasalalay ito sa agham, teknolohiya at inobasyon.

“If we want the earth to continue providing us with clean air, pure water, and rich productive soils, we need to realized the importance of applying biotechnology applications in order to improve and support our quality of life.”

“It is not just important for our generation, but also for succeeding generations that we continue to provide and protect our earth with the latest knowledge, tools, and techniques that biotechnology has delivered time and again.”

“Sa pagwawakas po ng isa na namang pagdiriwang ng National Biotechnology Week, nais ko lang ipaalala ang kahalagahan ng pagmamasid sa anumang mga bagong isyu at mga implikas-yon nito. Dapat parati tayong handa sa ating mga sagot dahil may karapatang malaman ng sambayanan kung bakit mahalaga sa ating lahat ang biotech.

Sa katunayan nga’y mabuting magkaroon tayo ng mas malalim na talakayan sa pagitan natin at ni Juan de la Cruz, at kung mamarapati’y dalas-dalasan natin.”

“Ipakita natin na walang di maaabot kung tayo’y makikipagtulungan sa pamahalaan, pamantasan, at pambansang kalakalan upang ating maabot ang mga mithiin para mapaunlad ang biotechnology sa Inang Republikang Pilipinas,” mga huling bahagi ng talumpati ni Palmones.

Ipinagmalaki din ng kinatawan ng AGHAM na nakapaghain na ito ng 42 panukalang batas na makatutulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya mula ng magbukas ang 15th Congress. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply