‘Mama san’ pinatay, isang GRO nadamay

NASAWI ang isang “mama san” nang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo, habang isang guest relations officer (GRO) ang nasugatan  sa harap ng isang resto bar kamakalawa ng gabi sa Tanay, Rizal.

Dead on arrival sa Tanay General Hospital si Cherrybell Candelaria, 21, manager ng mga babae sa Boo Resto at naninirahan sa M.H. del Pilar st., Brgy. Gatbayani, ng nasabing bayan.

Samantala, tinamaan sa balikat ang GRO na si Donnalyn Panuelos, 28, at patuloy na ginagamot sa Morong General Hospital.

Mabilis na tumakas ang mga ‘di-nakilalang suspek, na sakay ng isang motorsiklo.

Hindi nakuha ng mga nakasaksi ang numero ng plaka ng motorsiklo, na humarurot patungo sa Baras, Rizal.

Nauna rito ay may hinahanap umano ang mga suspek na nagngangalang  “Mary Grace.”

Nang lumabas ang biktima para kausapin ang mga suspek ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito hanggang sa humandusay at binaril din ng mga ito si Donnalyn na tinamaan sa balikat.

Hindi na umabot sa pagamutan si Candelaria at namatay ito.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa biktima. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply