‘Nobel Prize’ ng isport ipapangalan kay Pacman

TUNAY na “flavor of the month” ngayon si Sarangani Rep. Manny Pacquiao, na kasusungkit lamang ng kanyang ikawalong korona sa boksing.

Bukod sa mga papuri ng kanyang mga kasamahan sa Kamara de Representantes, ipinanukala rin ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang pagtatatag ng Pacquiao Lifetime Achievement Award, ang magiging katumbas umano ng Nobel Peace Prize sa larangan ng sports.

Binigyang diin ni Evardone na ang “House Bill No. 3681, the highest singular honor the whole world can give to the Filipino boxing icon is to institute a system of awarding and recognizing the world’s greatest athletes in his name.”

Nakapaloob sa panukala na ang parangal ay pangangasiwaan ng isang independent body na tatawaging Philippine Institute for Sports Excellence (PISE).  Meliza Maluntag/photo by Fenny Pineda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply