‘Number coding’ tuloy sa Nob. 15

ITUTULOY na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “experimental” sa implementasyon ng number coding sa mga pampasaherong bus sa darating na Nobyembre 15 sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito’y sa kabila ng matinding pagtutol ng mga bus operators at mga transport groups sa naturang panukala.

Sinabi ni Chairman Francis Tolentino na napapanahon ang implementasyon nito lalo na’t inaasahan ang lalo pang paglala ng trapiko sa mga lansangan dahil sa papalapit na Kapaskuhan lalo na sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Iginiit ni Tolentino na may matinding pangangailangan upang mabawasan ang bilang ng sasakyan partikular na sa EDSA.  Dahil sa ipinapatupad na ang number coding sa mga pribadong behikulo, dapat na ipatupad din ito sa mga pampasaherong bus na napansin nilang hindi naman napupuno sanhi upang magkarerahan ang mga ito sa pag-pick-up ng mga pasahero.

Sakop rin ng panukalang number coding ang mga bus na biyaheng probinsya na pumapasok ng Metro Manila.

Inaasahan ng MMDA na mababawasan ng 20% ang bilang ng bus sa Kamaynilaan kada araw.

Sa ilalim ng number coding scheme sa mga pampasaherong bus, walang “window hours” na ipatutupad kaya nangangahulugan na epektibo ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply