‘Pilipinas Kay Ganda’ gagamitin sa labor campaign

HINDI mauuwi sa wala ang slogang naging dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Tourism Undersecretary Vicente Romano.

Gagamitin ng mga manggagawa ang slogang “Pilipinas Kay Ganda” sa kanilang kampanya laban sa labor contractualization.

“(H)is inspiration will not go unused since we will make ‘Pilipinas Kay Ganda’ a slogan in the campaign for regular jobs,” ani Renato Magtubo, chairman ng Partido Manggagawa (PM).

“The ‘Pilipinas Kay Ganda’ brand captures our dream of a country where workers enjoy job security, living wages, substantial benefits, decent working conditions and the freedom to have a voice and representation in the workplace through a union,” dagdag pa niya.

Ang protest-rally ng mga manggagawa ay gaganapin sa Huwebes sa Ayala Avenue sa Makati City. Magdadala ng mga tarpaulin ang mga miyembro ng PM na may nakasulat na mensaheng, “Kung Walang Kontraktwal, Pilipinas Kay Ganda” at “Kung Trabaho ay Regular, Pilipinas Kay Ganda.”

Sa Huwebes ang National Day of Action for Regular Jobs and Against Contractual Employment. Bukod sa PM, sasali din sa kampanya ang ilan pang labor groups.

Ito ay ang Philippine Airlines Employees’ Association; Trade Union Congress of the Philippines; Kilusang Mayo Uno; ang anti-contractualization coalition KONTRA, at Labor Alliance for Better Order and Reform.

Sasali rin sa martsa sa Ayala ang mga manggagawa mula sa Fortune Tobacco Corporation na sumasalungat sa plano ng management na i-retrench ang may 2,000 nitong workers.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply