‘Renegades’ bagong bansag sa Lakers

IPINAGMALAKI ni coach Phil Jackson na ang bansag sa Los Angeles Lakers ay magiging ‘The Renegades’ na sa oras na makasampa ito sa laro sa mga bago nilang pambatong atleta.

Sasalang na sa mga susunod nilang laro sina newcomers Steve Blake, Matt Barnes at Theo Ratliff.

Makakasama nila sina returnees Shannon Brown at Sasha Vujacic sa bench na lalong magpapalakas ng puwersa ng kampeon.

Sila ang pupuno sa mga puwesto nina Luke Walton at sixth man Lamar Odom na kapwa nagkaroon ng injury at makakatuwang ni Kobe Bryant at Andrew Bynum.

“I like the way this group is coming together,” ayon kay Jackson. “They have the potential to be very special.”

Samantala, iwinasiwas ng Chicago Bulls sa tulong ng 40 points ni Luol Deng ang Portland Trail Blazers kahapon at naitala nila ang 110-98 victory.

Si Derrick Rose naman na naglaro bilang NBA’s leading scorer ay nag-ambag ng 16 points at 13 assists para sa Chicago (2-1).

Kasabay nito, nanalo naman ang Kings laban sa Raptors sa tulong nina Andrea Bargnani na may 21 pts. at DeMar DeRozan na humakot ng 24 pts. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply