“I’m ready for Montiel,” – Donaire

WALANG gatol na inamin kahapon ni two-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire (24-1, 16 KOs) na nakahanda na siyang harapin si WBC bantamweight champion Fernando Montiel sa susunod na taon.

“I’m ready for Montiel,” ayon kay Donaire.

Ipinaliwanag naman ni Donaire na kailangang idemolis niya muna si WBA bantamweight champion Wladimir Sidorenko (22-2-2,7KOs) bago niya magagawa ito.

Maglalabas din ng statement ang Pinoy boxer hinggil sa kanyang laban kay Sidorenko sa December 4.

Ayon kay Donaire, sa oras na manalo siya laban kay Sidorenko ay tiyak nang makahaharap niya sa ibabaw ng ring ang isa sa mga kinatatakutang si Montiel.

Nangako rin siya na itataas niya muli ang bandila ng Pilipinas dahil nais niyang sundan ang yapak ni Manny Pacquiao. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply