“Katsidis, humanda ka!”— MARQUEZ

NAGPAHAYAG si three-division world champion Juan Manuel Marquez na nakahanda na siya laban kay Australian Michael Katsidis sa darating na Linggo, Nov. 28.

Isinara na ni Marquez ang kanyang training camp sa Romanza Gym sa Mexico City bilang bahagi ng kanyang paghahanda kay Katsidis.

Ayon kay Marquez, gagawin niyang lahat upang manalo at makuha ang WBA/WBO lightweight championships.

Sinabi niyang nakapag-spar na siya ng maraming beses sa isang araw.

Nakatakbo din umano siya ng walong kilometro bago ang final day nila sa training camp.

”I’m ready for this fight,” pahayag ni Marquez. “I have a lot of confidence. I trained to deal with the style of Katsidis and with my boxing intelligence and speed I hope to win.”

Sina Nacho Beristain, Raúl de Anda at Dr. Plutarco Gatica ang nasa corner ni Marquez sa aktuwal nilang sagupaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply