Mayweather pinagbabayad ng korte

MAHIGPIT na inutusan ng Las Vegas court si boxer Floyd Mayweather Jr. na bayaran ng hanggang sa isang linggo ang $31,000 na piyansa nito para sa walong misdemeanor at felony charges.

Sinabihan din ng korte si Mayweather na tantanan ang kanyang dating girlfriend gayundin ang kanilang dalawang anak na lalaki matapos ibunyag ng prosekusyon na sinaktan niya ito at binantaang gugulpihin ang mga bata sakaling tumawag sa 911.

Hindi naman inobliga ng hukom ang 33-anyos na boksingero na dumalo sa hearing sa Las Vegas Justice ni Peace Diana Sullivan para sa nasabing mga kaso.

Itinakda ni Sullivan ang susunod na hearing ng mga kaso sa  Jan. 24 sa susunod na taon.

Matatandaan na isiniwalat ng mga awtoridad na inagawan ni Mayweather ang dating nobya niyang si Josie Harris ng cellphone matapos ang pagtatalo nila noong Sept. 9.

Si Mayweather na umurong sa laban kay Manny Pacquiao ay nahaharap sa patung-patong na mga kasong coercion, grand larceny, robbery, misdemeanor domestic battery at harassment na may katapat na parusang pagkakakulong ng 34 taon. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply