1.7-M Pinoy, lulong sa droga

LUMOLOBO ang bilang na Pinoy na nalululong sa ipinagbabawal na gamot kung saan umabot na ito sa 1.5 milyon, base sa pag-aaral ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director for International Cooperation of Foreign Affairs Service Joseph Ladip na lumabas sa naturang pag-aaral ng DDB na 1.7 milyon na mga Pinoy ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot partikular na ang shabu, marijuana at ecstacy.

Sinabi rin ni Ladip na nangangamba siya na tataas pa ang presyo ng shabu ngayong kapaskuhan.

Karaniwan aniyang ibinibenta ang shabu ng P6-8 milyon kada kilo ngunit pumapalo ito ng P10 milyon kada kilo tuwing Disyembre dahil sa holiday season at tuwing Hunyo kasabay ng pasukan ng mga estudyante.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply