1.7 milyon Pinoy adik! – PDEA

PINANGANGAMBAHAN aabot na sa 1.7 milyong Pilipino ang lulong umano sa droga.

Ayon kay Joseph Ladip,director ng International Cooperation and Foreign Affairs Service ng Philippine Drug Enforcement Agency,ito ang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Dangerous Drugs Board.

Sinabi sa ulat karaniwang gamit ng mga lulong sa droga ang shabu,marijuana, cocaine at ecstacy.

Kasabay nito,nangangamba si Ladip na posibleng tumaas ang presyo ng shabu sa merkado ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay Ladip, karaniwang nasa anim hanggang walong milyong piso ang isang kilo ng shabu subalit tuwing papatak umano ang buwan ng Disyembre tumataas ito ng hanggang P 10 milyong piso kada kilo.

Bukod aniya sa panahon ng pasko,tumataas din ang demand ng illegal na droga sa buwan ng Hunyo na panahon ng pasukan ng mga estudyante. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply