1 miyembro ng CPP-NPA sumuko

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nag-ooperate sa Negros Oriental ang kusang sumuko sa 79th Infantry Battalion ng Army.

Kinilala ni Lt. Col. Pio Diñoso III, commanding officer of the 79th IB ang sumuko na si Jocelyn Namuco, alias Lea/Lisa, miyembro ng Sentro de Gravidad Platoon ng Komiteng Rehiyon Sentral Bisayas-South East Front ng NPA at residente ng Halway sa Brgy. Nagbinlod, bayan ng Sta. Catalina.

Sa ulat ni Lt. John Timothy Tagle, commander ng Alpha Company ng 79th IB, si Jocelyn ay kapatid ni Roque Namuco, isa pang rebeldeng NPA at miyembro ng Sentro de Gravidad Platoon na napatay noong nakaraang linggo sa Sitio Canggabok, Barangay Nagbinlod.

Kinasuhan ito ng illegal possession of a firearm and ammunition, matapos na marekober ng mga sundalo ang isang kalibre .357 at anim na bala.

Sinabi pa ni Jocelyn na isang nagngangalang Julio, miyembro ng NPA, ang nag-recruit sa kanya at dahil sa hirap na nararanasan sa bundok at nakikitang mga pang-aabuso ng kanilang mga lider at walang katuparang mga pangako ng kilusan ang nagtulak sa amasona na sumuko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply