1 patay, 1 kritikal sa sumalpok na motorsiklo

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang backrider at nasa kritikal na kundisiyon ang driver nito makaraang sumalpok sa road dike at mahulog sa ilog ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa Marikina, City.

Ang namatay na biktima ay nakilalang si Jaime Pangyarihan, 23, residente ng 107 Balubad st., Brgy. Nangka at ang driver na nasa malubhang kalagayan ay si Elizardo Gelacio, 22, ng 06 Pieces st., Camacho, Phase 2, ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng Marikina Traffic Unit (MTU), bandang-alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente sa creek ng Road Dike, Fernando Ave. Ext., Brgy. Malanday, nang makita nina Annie Roa, Delfin Ramores at Marlon Sarmiento ang sumulpot na sinasakyan ng mga biktima na isang motorsiklo na Suzuki raider na walang plaka.

Bgilang nawalan ng preno at sumalpok sa gilid ng creek ang motorsiklo kung saan ito nahulog kaya humingi sila ng saklolo at iniahon ang mga biktima subalit inihayag  ng Rescue 161 na patay na si Pangyarihan.

Namatay ang biktima sanhi nang pagkabagok ng ulo at pagkabali ng leeg nito dahil sa pagkakahampas sa semento ng creek.

Hinala ng pulisya na ang mga biktima ay lango sa alak at pauwi na galing sa inuman nang mangyari ang insidente. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply