1 patay, 1 sugatan sa holdap

ISA ang patay at isa ang malubahang nasugatan matapos holdapin at pagbabarilin ng riding in trio, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang napatay na si Renz Salvador, 24, binata, ng 79 C Quezon st.,  habang ang nasugatan naman ay  Jose Balaba, Jr., 32, ng 205 Lacson st., kapwa mga jeepney driver.

Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na tumakas matapos ang pamamaril sa mga biktima.

Sa report ni PO3 Jay Santos, bandang 8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng PAPA’S Pawnshop sa Juan Luna st., at Padre Rada st., ng nasabing lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply