1 patay, 4 sugatan sa huramentado

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang apat pa, kabilang ang mga Bantay Bayan, na rumesponde sa isang mister na nag-amok kamakalawa ng hapon sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor, Cavite.

Sa ulat na natanggap ni Cavite provincial police director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktimang si Benjie Tavis ay hindi na umabot pa ng buhay sa Las Piñas City District Hospital.

Samantala, sugatan naman sina: Jesus Coralde at James Ryan Reyes, kapwa Bantay Bayan, Dorothy Moquera at Arman Triporca, pawang nakatira sa Queen Maharlika st., Bagong Silang 3, ng nasabing lugar.

Mabilis na nakatakas ang suspek na si Albert Ocampo, kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Joel Umali, bandang 1:45 ng hapon nang magwala ang suspek na armado ng sumpak.

Agad na nagtungo sina Coralde at Reyes upang rumesponde sa kaguluhan subalit pagkakita sa kanila ng suspek ay sunud-sunod na nagpaputok ng baril ang huli. (Gaynor Bonilla)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply