1 sa bawat 5 HIV case, tinedyer – DOH

NILINAW ng Department of Health na hindi lamang sa industriya ng  call center nakalap ang pinakahuling datos ng mga nabiktima ng human immuno deficiency virus o HIV na nagpapakita ng pagtaas ng kaso sa hanay ng mga kabataan.

Batay sa record ng DOH, ngayon lamang buwan ng Oktubre ay 27  mula sa  104 bagong kaso ng HIV ay nasa pagitan ng edad na 15-anyos hanggang  24 na taong gulang.

Sa nakalipas na 11 buwan, nakapagtala ang DOH ng 399 kaso ng mga kabataang may HIV mula sa 1,305 HIV cases ngayong taon.

Paliwanag ni Dr. Gerard Belimac,  director ng DOH  National AIDS/STI Prevention and Control Program, bagaman  ang pinakamataas na bilang na kanilang nakalap ay nasa hanay ng mga kabataang nagtratrabaho o younger working population, hindi  nila sinasabi na mga taga-call center lamang ang kabilang s amga nagka-HIV.

Nilinaw rin ni Belimac ang maling sapantaha na  malaki ang banta ng HIV infections sa industriya ng call center.

Nangangammba si Belimac sa maaaring maging epekto ng HIV infections issue sa call center workers kaya naman nila inilabas ang paglilinaw.

Nauna nang lumabas ang ulat na ‘prone’ sa pagkakaroon ng HIV  infection ang mga nasa call center industry dahil sa peer pressure at lifestyle na nagreresulta sa pagbabago ng sexual behavior. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply