100 kabahayan tupok sa sunog sa Iligan City

ITINUTURING na milagro ang hindi pagkadamay ng isang Simbahan ng Katoliko at isang mosque habang 100 kabahayan naman ang natupok sa sunog na nagtagal ng dalawang oras sa Iligan City, madaling araw ng Lunes.

Ayon sa report ng dzXL, nagmula ang sunog sa Saray Village, kung saan nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa lakas ng hangin.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nag-ugat ang sunog sa bahay ng mag-asawang nag-aaway sa naturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply