Bulkang Bulusan, nagsungit na naman

MULING nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, na may dalawang kilometro ang taas, Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang 7:32 ng umaga nang maganap ang pagbuga, at naitalang ito ang pinakamataas na pagbuga ng naturang bulkan.

“At about 7:32 a.m., there was an ash explosion at Bulusan. The eruption sent ash two kilometers above the summit. It was the highest so far,” ayon kay supervising science research specialist July Sabit sa isang panayam sa dzBB.

Naitala rin ang may 12 volcanic quakes sa loob ng nakaraang 24-oras.

Patuloy pa ring pinapayuhan ang mga reisdente malapit sa lugar na gumamit ng gas masks upang maprotektahan ang kalusugan sa ibinubugang abo ng naturang bulkan.

Ayon naman kay Phivolcs volcanologist Ed Laguerta, ang mga pag-ulan na nararanasan sa naturang lugar ay posibleng maging sanhi ng pagdaloy ng lahar sa Brgy. Irosin.

Samantala, mahigit 500 pamilya naman ang inilikas sa Bayan ng Irosin sa Sorsogon dahil sa naturang pagbuga ng abo.

Batay sa ulat ni Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Director Rafael Alejandro, inuna nilang ilikas ang mga bata, mga babae at mga matatanda gamit ang mga trak ng Philippine Army at mga sasakyan ng mga local government unit (LGU).

Tinatayang nasa tatlong milimetero ang kapal ng abo na nakaapekto sa mga Bgy. Puting Sapa sa Bayan ng Juban at mga Bgy. Monbon, Bolos, Cogon at Gulang-Gulang sa Irosin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply