Presyo ng tinapay lolobo

TATAAS pa ang presyo ng tinapay sa susunod na buwan,kasunod ng unang pagtataas ng mga ibinebentang tinapay sa mga Super Markets nitong nakalipas na Nobyembre 17.

Ito ang nabatid sa isang source mula sa bakers industry,kasabay ng pahayag na simula sa Disyembre 1,ay magtataas na ng P1 Sa kanilang tinapay ang mga community bakery.

Ang pagtataas ng presyo ng tinapay ay hindi umano maiiwasan dahil na rin sa walang patid na pagtaas ng presyo ng asukal at harina na pangunahing sangkap sa paggawa nito.

“Yong harina tataas pa ng P40 kada bag at yong asukal, magiging P3,500 pa mula sa P3,100 kada bag”,ayon sa source.

Ayon sa source ,nagtaas na ng P1 hanggang P1.50 ang tinapay sa mga Supermarkets noong nakalipas na Nobyembre 17 at susunod nakatakda na ring magtaas sa susunod ang mga maliliit na panaderya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply