11 quakes naitala sa Bulusan Volcano

NAGTALA ng 11 volcanic quakes, isa rito ay may kasamang pagputok, sa Bulusan Volcano Sorsogon sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa kanilang 8 a.m. Saturday update,  “one of the 11 quakes was explosion-type that was recorded at 7:27 p.m. Friday and lasted for 11 minutes.”

“The summit was cloud-covered hampering visual observation,” saad pa rito.

Walang narinig na pagdagundong at wala ring ash fall na naganap.

Nananatili pa ring nasa Alert level 1 ang naturang bulkan kung saan hindi pinapayagang lumapit ang mga residente sa 4-km permanent danger zone.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply