112 OFWs sa Lebanon ipinababalik

Nakabalik na kahapon sa bansa ang 112 overseas Filipino workers (OFWs) kabilang dito ang dalawang  bata na nakabase sa Lebanon matapos na pabalikin sila ng pamahalaang Aquino dahil sa hindi maayos na kalagayan doon.

Napag-alaman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga Pinoy workers ay sinalubong ni Vice President Jejomar Binay at ilang kinatawan ng OWWA na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport.
Dalawang grupo ng OFW’s mula sa Lebanon ang lumapag sa airport lulan ng QR flight 644  kung saan nakasakay ang 88 Pinoy samantalang 23 naman sa kanila ang lulan ng QR flight  646 na may connecting flight galing Qatar. Ang 3rd batch ay nakatakdang dumating ngayong umaga (Nob. 16) lulan ng QR flight 648 sa NAIA terminal 1.

Ayon kay Binay,mahigpit na ipinagbabawal sa bansa ang pagpapa-deploy ng mga Pilipino workers sa Lebanon, Iraq, Afghanistan,Nigeria at Jordan dahil sa ‘unstable security conditions’ sa mga nabanggit na bansa.
(Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply