Kilos-protesta para sa umento sa sahod isasagawa sa Martes

ISASABAY sa paggunita sa ika 147 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Nobyembre 30, Martes, ang ikakasang kilos-protesta ng ilang militanteng grupo upang ihirit ang umento sa sahod ng mga manggagawa

Ayon kay Randy Evangelista ng grupong Koalisyon ng mga Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), ipapanawagan nila ang pagpasa sa House Bill 3745 para sa dagdag na P125 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor at House Bill 3746 para naman sa dagdag na P6,000 sa buwanang sweldo ng mga kawani ng gobyerno.

Magsisimula aniya ang kanilang pagkilos sa Welcome Rotonda sa Maynila patungo sa Mendiola.

Inihayag pa ni Evangelista na lalahukan ang kanilang kilos-protesta ng ilang manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na magmumula naman sa iba’t ibang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply