Fetus natagpuan sa basurahan sa Pasay

TINATAYANG nasa pito hanggang walong buwan na fetus na lalaki ang natagpuan ng magbabasura , madaling araw ng Linggo sa Pasay City.

May bahid pa ng dugo ang fetus na ibinalot sa basahan bago isinilid sa kulay pulang plastic bag nang makalkal ng mga scavenger na naghahanap ng mapapakinabangan sa bunton ng mga basura sa kanto ng Tolentino at Facundo St, dakong 3:00 ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Dennis Desalisa ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, posibleng puwersahang inilaglag ng walang pusong ina ang fetus sa sinapupunan at ipinasiyang itapon na lamang sa bunton ng basura.

Sa pahayag ng scavenger na si Maric Anthony sa pulisya, nagkakalkal sila ng kaibigan sa bunton ng basura nang mapansin nila ang isang supot na may bahid ng dugo kaya’t ipinasiya nilang busisiin ang laman nito.

Pansamantalang inilagak ang fetus sa Rizal Funeral Homes upang mabigyan ng marangal na libing.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply