12 taon sa magnanakaw ng bangkay ipinanukala

NAIS  ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na patawan ng hanggang 12 taong pagkakakulong ang sinumang mapatutunayang nagnakaw ng bangkay o anumang bagay sa loob ng sementeryo na may kinalaman sa nailibing.

Ayon kay Santiago, kailangan magkaroon ng hiwalay na batas sa Revised Penal Code sa lahat ng uri ng pagnanakaw sa loob ng sementeryo, monumento  at libingan  bilang paggalang ng estado sa mga namayapa.

“The law needs to be more specific when it comes to robbery and desecration of graves. The damage done by grave robbers is immeasurable as it not only dishonors the deceased, it also causes anguish to those who survived them,” ayon kay Santiago.

Tinukoy ng Senate Bill NO. 1689 ang kasong grave robbery na kumukuha ng lahat o bahagi man ng puntod, kabaong, monumento, lapidad o lahat o bahagi ng commemorative, decorative at iba pang cemetery-related article o nagawa sa loob ng sementeryo, libingin at burial grounds.

Naihain na ang naturang panukala noong ika-13 Kongreso.

Tinukoy ni Santiago ang kaso sa US na napatunayan ng korte na ang epekto ng pagnanakaw sa libingan ay ang “mental suffering caused by the disturbance of a loved one’s final resting place.”

Kikilalanin din ang panukala bilang  Anti-Grave Robbers Act, layunin ng batas na itaas ang parusa sa lahat ng nagnanakaw ng bangkay at katulad na bagay sa loob ng libingan mula sa anim na taon hanggang 12 taong pagkakakulong. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply