13 katao, swerteng nakaligtas sa plane crash sa Cagayan

SINUWERTENG nakaligtas ang labintatlong pasahero ng isang eroplano na patungo sana sa Ilocos Sur nitong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, bandang alas-dos ng hapon nang mapilitang mag crash-land ang Beechcraft plane sa isang bukid sa San Vicente, Iguig, Cagayan. Galing ang eroplano sa Batanes.

Papunta sana ang mga pasahero sa Boy Scout encampment sa Cabugao, Ilocos Sur nang biglang nagkaproblema sa engine ang eroplano. Dahil dito, napilitan ang piloting mag-emergency landing.

Ang mga piloto ay kinilalang sina captains Agustin Jose at Benedict Dela Cruz.

Samantalang ang mga pasahero ay kinilalang sina Kate Vallentes; Mika Horkajo; Hana Horkajo; Yale Mark Elep; Rustom Hontonia; Jack Castaño; Jovani Pahodpod; David Batan; Benedict John Acebes; Mae Jane Agcaoili; at Harold Agito.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply