19 Volcanic earthquakes naitala sa Bulusan

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ng 19 volcanic quakes sa paligid ng Bulusan Volcano sa Sorsogon makalipas ang 24 oras nitong Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, matapos magbuga ng abo ang Bulusan noong Lunes, naglabas din ito ng puting usok noong Martes.

“Bulusan Volcano’s seismic network detected 19 volcanic earthquakes during the past 24-hour observation period. During times of good visibility, weak emission of white steam was observed rising from the volcano’s northwest vent while no steaming was observed from the crater and southeast vent,” ayon pa sa Philvocs sa kanilang 8:00 a.m update report.

Dagdag pa ng Philvocs, kahit nakapagtala ng maraming pagyanig at pagbuga ng abo ang Bulusan, mananatili pa rin sa alert level 1 ang naturang bulkan.

Kasabay nito, pinapaalalahanan pa rin ng Philvocs ang publiko na huwag pumasok sa 4-km permanent danger zone “.

“People residing near valleys and streams are also advised to be vigilant against sediment-laden stream flows in the event of heavy and continuous rainfall. Due to the prevailing wind direction, residents located in the northwest and southwest sectors of the volcano are advised to take precautions against ashfalls,” ayon pa sa Philvocs.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply