2 holdaper dakip

Bukod sa kasong robbery, madadagdagan ng kasong Anti-Tattoo Law ang dalawang miyembro ng Sputnik Gang matapos madakip nang mambiktima ng isang ginang, sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Noel Paraon, 18, ng Bagong Barrio, ng lungsod at Rolly Velez, 22, ng Potrero, Malabon City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang si Catherine Garcia, 35, sa Rizal Avenue Ext., nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang Nokia 6101 ng biktima bago nagsitakas habang nakahingi ng tulong ang ginang sa mga nagpapatrulyang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at nang maabutan ay nabawi ang cellphone ng biktima.

Nang tignan ang katawan ng mga ito ay nakita ang mga tattoo na Sputnik na naging dahilan upang patungan ng Anti-Tattoo Law na isang ordinansa sa lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply