2 holdaper sa Malabon, nalambat

ARESTADO ang dalawang holdaper matapos holdapin ang mga pasahero sa isang jeep sa San Agustin, Malabon City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina  Gilbert Gador, 30, binata, residente ng Bldg. 9, Vitas, Tondo, Maynila at si Richard Tonete, nasa hustong gulang, ng 258 Arellano st., Brgy. Baritan, Malabon City.

Batay sa imbestigasyon ni P03 Jerry dela Torre, ganap na ala- 1:30 kamakalawa ng hapon, nang makatanggap ng tawag sa telepono ang tactical operation center ng Malabon police hingil sa  holdapan sa isang pampasaherong jeep na may rutang Gazak Bayan-Divisoria, sa kahabaan ng Sevilla at San Agustin Sts.

Inatasan ni Supt. Reynaldo Orante sina PO3 de Guzman, P02 Pacoma at P02 Paule na nakahuli sa mga suspek.

Nagtangka pa diumanong tumakas ang mga suspek subalit agad din itong nasukol ng mga operatiba. Nabawi kay Gador ang isang kalibre 357 na may 10 bala habang kay Tonete ay isang bladed weapon. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply