2 magnanakaw, tepok sa parak

DALAWANG hinihinalang miyembro ng notorious robbery gang ang namatay matapos barilin ng mga pulis sa Manila, Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng dzBB, nakaengkuwentro ng rumespondeng pulisya ang dalawang suspek makaraang nakawan ng mga ito ang isang lechon manok stall.

Ito minsan mga riding in tandem at ito ang grupong Waray-Waray. Sa Honorio Lopez Highway sumasampa sa jeep at humoholdap ang dalawang ito ,” ayon kay Manila Police District Station 1 head Superintendent Ernesto Tendero.

Samantala, hindi pa inihahayag ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Center.

Batay sa inisyal na imbestigasyon,  ninakawan ng mga suspek ang Baliwag Lechon Manok outlet sa kanto ng Juan Luna Street at Honorio Lopez Highway bandang 6:00 p.m. ng Linggo.

Agad na tumakas ang mga ito nang makita ang mga pulis na papalapit sa kanila upang tugisin kung saan nagpaputok pa ang mga suspek sa mga pulis nang makarating ang mga ito sa Road 10.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply