2 pang suspek sa bar exam blast, kilala na

TUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa pang suspek sa pagpapasabog sa huling araw
ng Bar examination noong nakaraang Setyembre 26.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kilala na ang dalawang suspek na kasama ni Anthony Nepomuceno, na nauna nang inilutang ni Vice President Jejomar Binay sa headquarters ng NBI.

Ang dalawang suspek din ang sinasabing tumutok ng baril sa mga testigong nakahuli at bumubugbog kay Nepomuceno kaya nakatakas ito.

Dahil dito kaya nanawagan ang kalihim sa pamunuan ng Alpha Phi Omega fraternity na makipagtulungan sa NBI na hanapin ang dalawa pang suspek na kapwa miyembro din ng APO.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni De Lima ang NBI na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang muling imbestigahan ang mga nakaraang insidente ng paghahagis ng granada.

Ang tinutukoy ni De Lima ay ang insidente sa La Consolacion College sa Maynila noong 2008, kung saan ay 22 katao ang nasugatan at  gayundin ang nangyari pagsabog ng granada sa sa Perpetual College Las Piñas noong nakaraang Marso kung saan 14 katao naman ang nasugatan.   Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply