2 PETC’s ipinasara ng LTO, 8 pa ipakakandado rin

DALAWANG  private emission testing centers (PETCS)  ang naipasara na ng Land Transportation Office (LTO) at 8 pa sa 26 PETC’s ang nanganganib na maisara dahil sa paglabag sa Clean Air Act ng pamahalaan tulad ng pagsasagawa ng non appearance testing nitong Nobyembre 2010.

Ang dalawang naipasara ni LTO Chief Virginia Torres ay ang Fenandino testing Center sa Sto. Domingo. Qeuzon City  at  HR Eco testing center sa Sta. Maria, Bulacan.

Nanganganib namang maisara ng LTO Petc Ad hoc committee na pinamumunuan ni HEA Memelia Mortel ang 8 sa 26 na PETC na umano’y lumabag sa patakaran ng ahensiya kaugnay ng emission testing. Ito ay ang  CATB emission Testing Center Bancal Meucauayan Bulacan, Airpool Emission 1147 Pasong tamo st San Antonio Makati, Net Testing Center 1151 Quirino Highway Novaliches, Smoke in the City 14 East Ave  QC, Super Sun Emission Testing Taal Batangas, W. Red Emission Testing Center Molino 3  Bacoor Cavite,Kenzarch Smart San isidro Isabela at Mauryl Emission testing center Angeles City Pampangga.

Sa kabuuang bilang, 18 PETC naman ang nagkaroon ng procedural violations na pinagmumulta ng LTO ng P30,000 bawat isa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply