2 Pinoy boxers, panalo sa mga undercard match ng Pacquiao-Margarito bout

NAGWAGI ang mga Pinoy boxer sa undercard martch ng Pacquiao- Margarito bout matapos magpakitang gilas sa Cowboy Stadium sa Dallas, Texas.

Dineklarang kampeon ang Pinoy boxer na si Dennis Laurente via unanimous decision kontra sa Amerikanong si Rashad Holloway sa kanilang 8-round bout habang nanalo naman ang Pinoy flyweight na si Richie Mepranum ng Sarangani Province kontra kay Anthony Villareal ng California.

Nanalo si Mepranum sa kanilang 6-round bout ni Villareal via split decision.

Bigo naman ang isa pang Pinoy na si Juan Martin ‘Bai’ Elorde sa kaniyang laban kontra sa Mehikanong si Angel Rodriguez.

Natalo ang 25-anyos na apo ng Filipino boxing legend na si Gabriel ‘Flash’ Elorde sa kanilang 4-round bout ni Rodriguez via unanimous decision. Ito ang kauna-unahang international fight ni Bai Elorde.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply