2 pulis tuloy ang pangongotong sa pasugalan

Dalawang miyembro ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang patuloy sa pagkaladkad sa pangalan ni NCRPO Director Chief Supt. Nicanor Bartolome upang umikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang mangolekta ng lingguhang payola partikular na sa mga pasugalan.

Ayon sa isang source sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City, hindi kayang ipahuli ni Bartolome ang dalawang pulis na  nakilalang sina SPO1 Arnold Sandoval na nakatalaga sa QCPD at  SPO2 Ricardo Zhornack, nakatalaga naman sa MPD kung saan nagpapakilalang miyembro ng Regional Mobile Group RMG.

Kinumpirma naman ng bagong hepe ng RMG na si Senior Supt. Elmer Cabreros, na hindi nila tao ang dalawang nagpapakilalang pulis at patuloy sa pangongolekta sa mga pasugalan sa buong Metro Manila.

Sinabi pa ni Cabreros, na wala silang pinahihintulutan na mangolekta sa mga pasugalan sa kalakhang Maynila kung saan patuloy ang kampanya ng One Strike Policy na ipinaiiral sa Pambansang Pulisya laban sa iba’t ibang illegal na aktibidades, ayon na rin sa kautusan ni PNP Chief Raul Bacalzo, .

Kaugnay nito, inatasan ni Bartolome na tugisin ang dalawang nabanggit na pulis upang ipakulong at sampahan ng kaso hinggil sa paggamit ng kanyang pangalan upang makapangolekta sa mga pasugalan na tinatayang umaabot sa isang milyong piso kada isang linggo. (Gaynor Bonilla)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply