2 SK lider sa Sorsogon, patay sa vehicular accident

Patay ang dalawang opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos sumalpok sa trak ang minamaneho nilang motorsiklo sa Sorsogon.

Ayon kay Sorsogon Provincial Director Sr/Supt. Roberto Olitoquit, nakilala ang mga biktima na sina Bgy. Boktol West District SK Chairman Ryan Macaller at SK Treasurer Romeo Balaoro.

Binabagtas aniya ng mga biktima kaninang madaling-araw ang isang kalsada sa Bgy. Piot nang sumalpok sa isang trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Wasak ang ulo ng dalawang biktima na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply