2 totoy naghanap ng gagamba tinodas

DAHIL sa gagamba, patay ang dalawang menor de edad na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang  manggagawa sa isang farm nang mapagkama-lang magnanakaw sa Man-daue City, Cebu kamakalawa.

Hindi na muling makikipagpustahan sa laban ng ga-gamba sa kanilang mga kalaro ang mga biktima na sina Algy Acuesta, 13 anyos at Ellary Villarin, 12 taong gulang dahil agad silang binawian ng buhay dahil sa grabeng tama ng bala.

Sa ulat na nakaabot  sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa mga bikltima sa  loob ng isang livestock farm sa Brgy. Cubacub, sa siyudad ng  Mandaue dakong alas-4 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pumasok umano ang dalawang bata sa naturang farm para maghanap ng gagamba na kanilang paglalabanin.

Bukod dito ay naghahanap din sila ng scrap metal para maibenta nila  sa junk-shop.

Subalit namataan sila ng mga suspek na kinilalang sina Lucas Taoy, 35 at Jason Laurente, 18 taong gulang na nagbabantay sa nasabing farm at sa pag-aakalang magnanakaw ay binaril ang mga ito.

Nahaharap ngayon sa kasong double murder ang dalawang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply