2 UAAP teams pasok sa PCCL “SWEET 16”

Dalawa pang team mula sa UAAP ang nakapasok sa “Sweet 16” ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) matapos kapwa magtala ng panalo sa larong idinaos sa Arellano team sa Maynila.

Iwinasiwas ng University of the East Red Warriors ang kampeon ng NAASCU Tournament na University of Manila, 100-74, habang nginatngat ng National University Bulldogs ang Colegio de Sta. Monica sa iskor na 69-61.

Pangungunahan naman ng three-time UAAP champion Ateneo Blue Eagles at NCAA title holder San Beda College Red Lions ang mga kalahok sa national finals na aarangkada sa Nobyembre 18.

Una nang nakapasok sa “Sweet 16” ang Far Eastern University, Adamson U Falcons, Dela Salle Green Archers, San Sebastian Stags, Jose Rizal U Heavy Bombers, Mapua Cardinals, University of Visayas at University of Cebu. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply