2011 Baseball Hall of Fame award pinangalanan na

INIHAYAG na ng Baseball Writers’ Association of America (BWAA) ang mga kandidato na pagbobotohan para sa 2011 Baseball Hall of Fame award.

Kabilang sa mga first-time candidates ay sina Rafael Palmeiro, Jeff Bagwell ng Astros at two-time MVP Juan Gonzalez.

Si Palmeiro ay isa sa mga “great players” sa major league history na nakapagtala ng 3,000 hits at 500 home runs.

Taong 2005 ng masangkot si Palmeiro sa steroid scandal.

Batay sa panuntunan, kailangang makakuha ng 75 percent votes ang isang kandidato para mahirang sa pamosong award.

Sa Enero 5, 2011 naman inaasahang ihahayag ng BWAA ang resulta ng botohan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply