21 OFWs na biktima ng illegal recruiters nakabalik na galing Malaysia

NAKABALIK na ang may 21 overseas Filipino workers  (oFws) na biktima ng illegal recruiters galing Malaysia, madaling-araw ng Biyernes.

Ayon sa radio report ng DZMM, nakabalik na ng bansa ang 21 oFws kabilang ang limang bata lulan ng Cebu Pacific flight (5J-502) bandang 5 a.m.  sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Hindi naman nabanggit kung iisang kumpanya lamang ang pinagtatrabahuhan o isang grupo lamang ang mga ito sa Malaysia na kapwa biktima ng illegal recruiter.

Ayon pa sa report, pinangasiwaan ang pagbabalik ng mga naturang Pinoy sa bansa ni Senador Manuel Villar Jr. katulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply