28 massacre suspects naghain ng ‘not guilty’

NOT GUILTY plea ang ginawang panunumpa ng 28 akusado sa Maguindanao massacre case makaraang basahan ng sakdal kahapon sa Taguig City ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Mariing itinanggi ng mga akusado sa masaker ang kanilang partisipasyon sa pagpatay ng 57 katao kabilang na ang 33 mga mamamahayag.

Kabilang sa mga binasahan ng sakdal sa korte ay pawang mga miyembro ng 1507 Brigade na inakusahang humarang sa convoy ng asawa ni Ismael Mangudadatu.

Unang iniutos ng Quezon City court ang pagbasa ng sakdal sa mga suspek na naaresto at sangkot sa Maguindanao massacre.

Kabilang sa mga suspek na isailalim sa arraignment sina Armando Ambalgan alyas “Jamil Bulatukan Kayamsang,” Jonathan Ampatuan alyas “Jojo,” Macton Bilungan, Norman Taktak alyas “Norman Madidas Tatak,” at Datu Jimmy Ampatuan at dalawang suspindidong pulis na pawang tauhan ni Andal Ampatuan, Jr., at maraming iba pa.

Samantala, tinatayang halos 200 indibidwal ang isinasangkot sa karumal-dumal na krimen kabilang ang pangunahing suspek na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Matatandaan na 57 katao ang pinatay sa probinsya ng Maguindanao noong November 23, 2009 kabilang dito ang mahigit 33 mamamahayag at ang asawa saka mga kaanak ng ngayo’y Maguindanao Governor Ismael “Toto” Mangudadatu.

Kasalukuyang nakadetine sa Quezon City Jail Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang naturang mga suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply