3 babae huli sa illegal gambling sa Navotas

TATLONG  kababaihan ang naghihimas ng rehas na bakal matapos  mahuli  sa aktong nagpapataya sa ilegal na sugal na EZ-2 sa magkahiwalay na oras at lugar sa Navotas City.

Ang mga arestado ay nakilalang sina Carmen Papuran, 50, ng Oliveros st.; Licariona Sumbling, nasa hustong gulang ng Roldan st., at  Imelda  Ubsual. 38, ng Oliveros st., Brgy Tangos, ng nasabing lungsod.

Ganap na alas-10:00 kamakalawa ng umaga nang unang madakip si Papuran habang nagpapataya ng EZ-2 sa kahabaan ng Oliveros at nabawi ang halagang P600. Ilang oras naman ay nahuli si Sumbling at nabawi ang P120 cash money, habang si Ubsual ay nakuha ang napatayang P260 na gagawing ebidensiya laban sa mga ito.

Nauna rito, ipinag-utos ni Supt. Bernard Tambaoan, na hulihin at sampahan ng kaso ang sino mang lalabag sa kautusan pang lungsod, na bawal ang ano mang uri ng sugal sa lungsod.

Dahil sa ordinansa, walang sinanto ang mga tauhan ng SOG sa panhuhuli. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply