3 holdaper nalambat

Nadakip ang tatlong miyembro ng kilabot na Sigue-Sigue Sputnik Gang na nanghoholdap sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (Camanava) area.

Kinilala ni Sr. Supt. Jude W. Santos, ang mga  nadakip na sina: Rolly Velez, 22, binata, walang trabaho, nakatira sa Barangay Potrero, Malabon City; Noel P. Paraon, 18, walang trabaho, nakatira sa 143 Katarungan st., Bagong Barrio, Caloocan City at Rommel M. Reyes, 25, walang trabaho, nakatira sa 120 Perpetua st., Caloocan City.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Christopher Leabres, alyas “Thopper,” nakatira sa Blk. 57, Phase 3, F2, Sablo St., Dagat-Dagatan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Northern Police District (NPD) director Senior Supt. Edgardo Ladao, unang naaresto si Rommel Reyes at nakatakas si Leabres matapos na holdapin si Virgilio Cortez, 25, negosyante, sa harap ng Old Ever Emporium, sa Samson Road, dakong alas-onse ng gabi noong Sabado.

Nabawi ng pulisya ang Nokia 6220 ng biktima sa nadakip na suspek, samantalang naitakbo ni Thopper ang P14,000 cash ng biktima.

Samantala, nadakip din sina Velez at Paraon makaraang holdapin si Catherine Garcia, 35, may-asawa, nakatira sa 24 Arce st., 2nd Avenue, West, sa harap ng Sierra Madre bus terminal sa Rizal Avenue, Caloocan City.

Nabawi ng biktima ang ninakaw niyang cellphone at salapi. (Jun Samson)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply