3 holdaper umatake sa Caloocan

MISTULANG natutulog sa pansitan ang kapulisan ng Sub Station 1 (SS1) ng Caloocan City Police Station, makaraang holdapin ng tatlong armadong lalaki ang Bayad Center at Western Union Money Transfer, sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ang mga hinoldap na mga empleyado ay nakilalang sina Lovely Selerio, Jarlyn Delloso, Grechen Cordova at Riza  Bustillos, pawang nasa hustong gulang at mga empleyado ng nasabing kompanya.

Batay sa ulat sa tanggapan ni Northern Police District, Director, Chief Supt. Edgardo Ladao, naganap ang panghoholdap dakong 5:15 ng hapon, sa Bayad Center at Western Union na kapwa magkatabi ang tanggapan sa 365
EDSA, Bagong Barrio, Caloocan City.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Warren Peralta, ang mga suspek ay nasa edad na 35-40, malalaki ang pangangatawan at pawang armado ng hindi nabatid na  kalibre ng baril.

Napag-alaman, nagpanggap na magpapa-money transfer ang mga suspek at nang makapasok sa tanggapan ay nagbunot ng mga armas at tinutukan ang mga empleyado saka nagdeklara ng holdap.

Mabilis na nilimas ng isang suspek ang laman ng kaha ng dalawang kompanya saka mabilis na tumakas patungo sa east direction ng EDSA, Quezon City.

Natangay ng mga suspek ang P63,000 cash sa Bayad Center habang P20,000 ang nakuhang cash sa Western Union. Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply