3 Japanese boxers fulfill dream of meeting Pacquiao

TATLONG magkakapatid na Japanese boxers na pawang mga kampeon sa kani-kanilang division ang nag-courtesy call kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Kamara nitong Miyerkules.

Ito ay sina Koki Komeda, class fly at light weight champion; Daiki Komeda, WBA fly weight champion; at Tomoki Komeda, WBC Youth Bantam weight champion.

Ayon sa magkakapatid na Komeda, idol nila si Pacquiao at inspirasyon sa kanilang boxing career.

“Hindi namin pinalalampas ang mga laban ni Pacman dahil marami kaming natututunan sa kaniyang boxing style na nagpapa-knock out sa kaniyang mga kalaban,” ayon kay Koki, panganay sa magkakapatid.

Tumatayong coach at trainor ng tatlong Komeda ang kanilang ama na dating ring boksingero na si Shiro Komeda.

Nasa Pilipinas ang magkakapatid na boxers upang magsanay para sa kanilang laban sa December 26, 2010 sa Japan kung saan makakaharap ni Koki ang Romanian boxer na si Silvio Olutine.

Hindi naman makapaniwala ang magkakapatid na makakaharap nila at makakausap ng personal si Pacman.

” Nagsimula kaming mangarap na makadaupang palad naming magkakapatid si Pacman na aming iniidolo. Parang isang panaginip at ito ay isang maagang pamasko sa aming magkakapatid dahil pangarap din naming maabot ang naabot ng aming iniidolong boxer,”pahayag ni Koki. Melissa Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply