3 mandurukot, tiklo sa Taytay

Nadakip sa entrapment operation ang tatlong mandurukot makaraang ipatubos ang simcard ng isang dalaga na kanilang dinukutan sa isang pampasaherong jeep, sa Taytay, Rizal.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang dalagang biktima na si Maureen Maderal, ng de Leon st. Brgy. Muzon at ang mga suspek ay nakilalang sina Abundo Racho, 40anyos, may-asawa, ng Bruneis st., Pag-Asa, Floodway, Brgy.Sta.Ana; Rany Castro, 43 anyos, may-asawa, residente ng Australia st.; at  Ronald Tobias, 31 anyos, may-asawa, ng Armac Village, sa nabanggit na bayan.

Naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga kamakalawa nang magsisakay ang mga suspek sa isang pampasaherong jeep at pinagitnaan ang biktima saka dinukutan ito na hindi namalayan na siya ay nadukutan ng cellphone sa bag.

Nang magbabayad na sa jeep ang biktima ay doon nito natuklasan na nadukot na ng mga suspek ang kanyang cellphone  kaya bumaba at nagtungo sa himpilan ng pulisya para ipagbigay alam ang nangyari.

Iminungkahi ng biktima na kontakin ang number ng cellphone na nadukot sa kanya at doon nakausap ang mga suspek saka nagmakaawa na ibalik sa kanya ang simcard.

Nakipagkasundo ang mga suspek na ibabalik ang simcard ng biktima kapalit ng kaukulang halaga.

Nagkasundo sila na magkikita sa SM Taytay sa isang restaurant kaya nagkasa  ang pulisya ng entrapment operation sa nabanggit na lugar.

Bandang alas-9:00 ng gabi nang dumating ang mga suspek kung saan dinamba na ng mga awtoridad. (Jun Ferrer)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply