3 nailigtas, 20 Chinese nawawala pa: 2 kumpirmadong patay sa lumubog na cargo vessel sa Batanes

TATLONG Chinese crew members ang nailigtas habang dalawa naman ang kumpirmadong patay matapos lumubog ang kanilang sinasakyang cargo vessel sa Northern Luzon kamakailan.

Ayon sa The Philippine Coast Guard (PCG), nakuha ang tatlong nailigtas at dalawang patay sa may 97 hanggang 127 nautical miles northeast ng Itbayat sa Batanes province, kadulu-duluhang parte ng sa North Luzon.

Napag-alamang nakipagtulungan din ang Japan Coast Guard para sa search-and-rescue operation.

Ayon pa sa report ng PCG, ilalaan pa rin ang SAR Vessel 002 upang makatulong sa naturang operasyon ngayong weekend.

Sa kasalukuyan, 20 Chinese crew pa ang nawawala na pawang mga pasahero ng Panamanian-registered cargo vessel MV Nasco Diamond.

Isang PCG aircraft ang ginamit upang makatulong sa paghahanap habang ang mga local Coast Guard units at volunteers sa naturang lugar ay tumutulong din sa paghahanap sa mga nawawala pa.

Nagpadala naman ang Japan Coast Guard ng isang SAR Vessel at dalawang aircraft  habang ang Japan Maritime Defense Force  ay nagpadala rin ng kanilang dalawang aircraft.

Nawalan ng komunikasyon ang MV Nasco Diamond lost  habang binabagtas nila ang Lian Yungang, China, galing sa Indonesia at dumaan sa karagatan sa Pilipinas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply