3 Pinoy pugs taob sa Mexico

TATLONG Filipino fighters ang kapwa pinagdudurog ng kani-kanilang mga Mexican opponents sa kanilang bakbakan na ginanap sa Gimnasio Rodrigo M. Quevado, Chihuahua, Mexico sa ilalim ng Promociones del Pueblo.

Sa main event, si Chihuahuan Victor Zaleta (17-1, 9 KOs) ay walang awang dinurog si Pinoy boxer Lowie Bantigue (17-14-7, 8 KOs ) para sa bakanteng WBC Carribbean super flyweight belt sa pamamagitan ng unanimous decision, sa mga scores na 116-112, 115-113 at 115-112.

Kasabay nito, sa co-main event, si Oscar Ibarra (24-4, 16 KOs), ng Mexico City, ay nagwagi sa pamamagitan ng TKO sa second (1:15) laban sa Ilonggong si Sonny Boy Jaro (31-9-5, 20 KOs ) para sa WBC Silver super flyweight title.

Si Jaro ay bumagsak sa rounds one at two.

Samantala, sa unang feature bout, si Miguel “Mickey” Roman (32-7, 24 KOs), ng Juarez, ay na-knockout ang isa pang Pinoy pug na si Joan de Guia (11-12-4, 3 KOs) sa oras na 1:16 sa round one. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply